NAKAIMBENTO ng ‘do it yourself hand sanitizer’ ang isang kawani ng gobyerno sa Zamboanga Del Sur na gawa lamang sa mga recyclable materials gaya ng mga PVC pipes na mabibili lamang sa mura at abot kayang halaga.
Ang naturang handless sanitizer ay foot operated kung saan mas ligtas umano gamitin dahil walang direktang kontak sa katawan tulad ng mga kamay.
Patunay lamang na hindi hadlang ang pandemya para limitahan ang pagkamalikhain at husay ng mga Pilipino sa paglikha ng obra upang makatulong sa pagsugpo ng pandemyang COVID-19.
Sa panayam ng SMNI News team kay Mr. Richard S. Ligan, PENR Officer ng Zamboanga del Sur, aniya kahit hindi sila isa sa mga frontliners ng lalawigan ay makakatulong parin sila sa maliit na paraan upang maibsan ang pagkalat ng naturang virus sa lalawigan.