Magiging makasaysayan ang pagganap ni American actress Yara Shahidi dahil siya ang magiging first person of color na gaganap bilang Tinker Bell sa fairytale movie na “Peter Pan”.
Sa Instagram post ng aktres tampok dito ang kanyang larawan na suot ang kulay berdeng damit na sumisimbolo kay Tinker Bell.
Marami naman ang nagpahayag ng pagkasabik sa pagganap ni Shahidi bilang Tinker Bell at mayroon namang tutol dahil anila si Tinker Bell ay orihinal na blonde at white.
Gayunpaman, wala pang inanunsyo ang Disney kung kailan ito ipapalabas.