Ikinasal na si WWE star John Cena sa kanyang Canadian girlfriend na si Shay Shariatzadeh noong Oktubre a-12 kung saan ayon sa ulat private wedding ang ginawa ng dalawa na ginanap sa Tampa, Florida.
Magugunita na unang na-linked ang dalawa noong 2019.
Matatandaan din na unang nagpakasal si John noong 2009 kay Elizabeth Huberdeau pero nag-divorce din noong 2012.
Bago rin si Shay ay naging kasintahan muna ni John si WWE star Nikki Bella sa halos 6 na taon ngunit hindi ito nag work-out.
Gayunpaman, masaya na ngayon si John kay Shay at marami ang bumati at nagpaabot ng suporta sa dalawa.