Nangunguna ang pelikulang ‘Fan Girl’ nina Paulo Avelino at Charlie Dizon sa mga big winner sa ika-46 na Metro Manila Film Festival o MMFF ngayong taon.
Ito’y matapos makuha ng naturang pelikula ang walong panalo mula sa siyam na awards kung saan nai-nominate ito.
Panalo bilang best actor at best actress sina Paulo at Charlie habang nasungkit naman ng pelikula ang best picture, best sound, best editing, best cinematography, best screenplay at itinanghal si Antoinette Jadaone bilang best director.
Isinagawa ang MMFF ngayong taon via online kung saan ang lahat ng entries ay inilabas via Upstream at GoMovies.
Sampung pelikula naman ang entries ngayong taon mula sa nakasanayang walong pelikula.