• Skip to primary navigation
  • Skip to main content
  • Skip to footer
  • #
  • Home
  • Digital Archive
  • Advertise with Us
  • About Us
  • Contact Us
  • January 18, 2021

Pinas USA

The Filipino's Global Newspaper

  • Cover Stories
  • National
  • Feature
  • Fil-Am
  • Foreign
  • Opinion
  • Sonspeak
  • Health
  • Lifestyle
  • Sports
  • Showbiz
  • Fun Page
You are here: Home / Cover Stories / VFA sa Amerika, tuluyan nang pinutol ni Pang. Duterte
Cover Stories

VFA sa Amerika, tuluyan nang pinutol ni Pang. Duterte

Jhomel Santos11 months ago

MARIING sinabi ng Malakanyang na maaring pumasok sa panibagong Visiting Forces Agreement o VFA sa pagitan ng ibang bansa.

Ito ang inihayag ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo matapos i-terminate ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kasunduan sa Estados Unidos.

Sa ilalim ng VFA, hinahayaan ang mga tropang Amerikano na pumasok sa Pilipinas kahit walang pasaporte o visa sa diwa ng “kooperasyon” para sa interes panseguridad ng dalawang bansa.

Sinabi ni Panelo na nilayon ni Pangulong Duterte na putulin ang VFA sa Amerika dahil sa pagkansela ng US visa ni Sen. Ronald dela Rosa at diumano’y pakikialam ng mga Amerikanong senador sa isyu ng human rights sa Pilipinas at pagkakakulong ni Sen. Leila de Lima.

Samantala nagpahayag ng pagka-konsensya si Sen. Ronald “Bato” Dela Rosa sa naturang disisyon ng Pangulo.

Sinabi ni Dela Rosa na nakokonsensya siya dahil ang kanselasyon ng kaniyang US visa ang naging dahilan ni Pangulong Duterte para iterminate ang VFA.

Muling nilinaw ni Dela Rosa na hindi siya nagsumbong sa Pangulo at ang media ang naglabas ng ulat tungkol sa kanselasyon ng kanyang visa.

Naniniwala rin si Dela Rosa na may epekto rin sa Pilipinas ang pagtatapos ng VFA lalo na sa palitan ng impormasyon sa pagitan ng dalawang bansa.

Pero mabuti na rin anya na maging independent ang Pilipinas at hindi na umasa sa Amerika.

Iginiit naman ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief Felimon Santos Jr. na mabubuhay ang AFP kahit wala ang Visiting Forces Agreement o VFA kasama ang Estados Unidos.

Ito ang tinuran ni Santos sa isang panayam sa Senado kaugnay ng pagkalas ng Pilipinas sa VFA. Inihalintulad naman ni Santos ang pagkalas ng Pilipinas sa military bases agreement kasama ang Estados Unidos noong 1992 na kung saan ay nanatiling matatag pa rin ang military forces ng bansa. Ayon pa kay Santos, kayang palakasin ng Pilipinas ang sarili nitong military forces na hindi umaasa sa VFA sa pamamagitan ng gagawing pagpopondo para sa modernisasyon sa AFP.

Cover Stories Visiting Forces Agreement

SUBSCRIBE TO PINAS USA — THE FILIPINO’S GLOBAL NEWSPAPER

To receive a digital copy of new PINAS USA issues, enter your name and email address below and click on the Subscribe button.

Latest News

Anong meron para kay Juan sa 2021?
Quincy Joel V. Cahilig 10 hours ago
Bagong Taon, Bagong Pagasa
Jane Martin 4 hours ago
Felix Manuel: Ms. Universe Pageant 2021 may be disrupted for the first time by covid-19
Marivir R. Montebon 3 hours ago
Kauna-unahang artificial cornea transplant, isinagawa sa UAE
Shekinah Dequiña 1 hour ago
Teknolohiya sa pagsulong ng Kalusugan
Eugene Flores 1 hour ago
Disiplina sa pag-aaral ay tiyakin, tulungan silang gawin ang takdang-aralin
Ana Paula A. Canua 2 hours ago
Mga ginawang bakuna, maari pa ring panlaban sa bagong strain ng virus mula sa UK ayon sa isang eksperto
Vic Tahud 4 hours ago
Legendary actress dawn wells and veteran photojournalist cora pastrana pass away
Frank B. Paras Jr. 7 hours ago
Kaso ng COVID-19 sa Pilipinas, maaring umabot sa 800-K bago matapos ang 2021 — UP expert
Vic Tahud 4 hours ago
Andi Eigenmann inanunsyo na engaged na sila ni surfer Philmar Alipayo
Justine Nazario 3 mins ago
The Absolute Glorification (Part 4)
Pastor Apollo C. Quiboloy 2 hours ago
Andre Paras, pasok na sa 2021 PBA draft
Editorial Team 1 hour ago

Thoughts? Add a comment below

Footer

PINAS USA - The Filipino's Global Newspaper
Address: 14533 Vanowen St., Suite B, Van Nuys, CA 91405
Phone: (909) 534-5465
Email: [email protected]

Quick Links

  • About Pinas USA
  • Advertise with Us
  • Digital Archive
  • Contact Us
  • Terms of Use and Privacy Policy

News Categories

  • Cover Stories
  • Feature
  • Fil-Am News
  • Foreign
  • Fun Page
  • Health
  • Lifestyle
  • National
  • Opinion
  • Showbiz
  • Sonspeak
  • Sports

News Archives

  • January 2021
  • December 2020
  • November 2020
  • October 2020
  • September 2020
  • March 2020
  • February 2020

Tags

2021 Budget Anti-corruption Anti-Terrorism COVID-19 DBM DENR Department of Agriculture DepEd Disaster Response DOH DOJ DOLE Donald Trump DOT DOTr DPWH DSWD DTI Dubai Duterte Administration Economy Good Vibes IATF Japan K-POP Leni Robredo Metro News NBA NDRRMC OFW PBA PDEA PhilHealth Philippines Tourism PNP Provincial News PRRD Russia South China Sulu Twin Bombings Technology Thailand United Kingdom West Philippine Sea WHO

Copyright © 2021 · Pinas USA — The Filipino's Global Newspaper · All Rights Reserved · Website Developed by NorthZen Media