Aprubado na ang vaccination program ng Pasig mula sa World Health Organization at Department of Health.
Ito ang kinumpirma ni Pasig Mayor Vico Sotto matapos binisita ito ng NTF code team.
Bilib naman ang team sa inilatag na immunization plan ng Pasig at maaaring maging model city ang Pasig ayon kay NTF Chief Implementer Carlito Galvez Jr.
Dahil dito, nakahanda ang Pasig na tumulong sa national government para maitaguyod ang vaccine confidence ng publiko.
Samantala, ang Pasig ang kauna-unahang LGU na inapruba ang vaccination program ng W.H.O.