Photo Credit: Devdiscourse
Umaasa ang mga silid-aklatan sa Japan na ang makina na gumagamit ng ultraviolet light upang i-sterilize ang mga libro ay magtatanggal ng pangamba sa publiko sa gitna ng pandemya.
Lahat ng silid-aklatan sa buong bansa ay naglalagay na ng makinang ito kung saan umaabot sa tatlumpung segundo ang paglilinis nito sa libro at binubuksan ang bawat pahina upang tanggalin ang alikabok.
Ang Narimasu Library sa Itabashi na hilaga ng Tokyo ay ginagamit ang makinang ito simula pa noong 2018 pero ayon sa facility manager, mas in-demand ang makinang ito ngayon dahil sa pandemya.
Madali lang ma-access ang makinang ito dahil malapit lang ito sa front desk ng mga silid aklatan pero hindi naman ito compulsory.
Matatandaang karamihan ng nanghihiram ng libro sa mga silid-aklatan ay nakatatanda kaya mas maigi na umanong ma-disinfect muna ito bago gamitin ng iba.
Kahit na mababa ang bilang ng kaso ng COVID-19 sa Japan kumpara sa Amerika at ibang bansa sa Europa, nahaharap naman ito ngayon sa third wave ng pandemya.