MAHIGIT sa 4 na milyong piso ang nalikom na pondo ng University of the Philippines sa “Kaagapay sa Pag-aaral ng mga Iskolar ng Bayan” project.
Kabuuang 4,126,109 pesos ang nakuhang donasyon ng UP mula sa iba’t ibang donors makalipas lamang ang mahigit isang buwan.
Ang nasabing halaga ay ilalaan para sa mga estudyante na walang kakayahang bumili ng mga kagamitan para sa remote learning.
Target ng proyekto na mabilhan ng remote learning tools ang mahigit 5,600 na estudyante na higit na apektado ng krisis dulot ng pandemya.
Samantala, nag-paalala naman ang UP sa mga nais mag-donate na beripakihin muna ang detalye ng padadalhan ng pera upang hindi mabiktima ng mga scammers.