Photo Credit: The Hue Of The Future
Magpapatupad ng ‘No Fail Policy” ngayong semester ang University of the Philippines (UP).
Ayon sa Office of the Student Regent, hindi magbibigay ng gradong “4” o “5” sa mga estudyante.
Nakatakda namang maglabas ng guidelines ang UP ukol dito sa lalong madaling panahon.
Ang development na ito ay kasunod ng panawagan ng UP Students at Faculty Members sa University Administration na tapusin na agad ang semester at magpatupad ng “Pass or Drop” system para palitan ang numerical grade system.
Sa kabila naman ng panawagan, nanindigan ang UP na ituloy ang semester.
Ang first semester ng Academic Year 2020-2021 sa UP ay nagsimula noong Setyembre 10 gamit ang remote ang learning system, at magtatapos sa Disyembre 9.