Dumating na sa bansang Sweden ang kauna-unahang dosis ng Pfizer-BioNTech vaccine.
Noong Sabado ay siyam na libo pitongdaan at limampung dosis ang natanggap ng Sweden na sapat naman para bakunahan ang apat na libo at siyamnaraang tao.
Inaasahan naman ng bansa na makakatanggap ito ng walumpung libong dosis ng bakuna bawat linggo at makakatanggap naman ng ikalawang delivery ang mga rehiyon sa darating na bagong taon.
Ayon sa Sweden Public Health Agency, ipapamahagi nito ang unang dosis sa higit na nangangailangan ng proteksyon gaya ng mga naninirahan sa elderly care homes.
Isa rin sa prayoridad ng bansa ang healthcare workers na nagkakaroon ng close contact sa mga vulnerable na tao. Sa kabuuan, aabot sa dalawang milyon at animnaraang libong Swedes ang nabibilang sa risk groups na maaaring tamaan ng COVID-19