Credit: Fortune
Nanawagan si United Nations Secretary General Antonio Guterres para sa worldwide state of climate emergency.
Sinabi ni Guterres sa Climate Action Summit, makalipas ang limang taon ng Paris Agreement para sa climate change, hindi pa rin nareresolba ang problema.
Matatandaang alinsunod sa Paris Agreement, nililimitahan nito ang pagtaas ng temperatura sa 1.5 degrees celsius na siya namang hindi nasunod ng naturang agreement.
Ayon kay Guterres, tumataas ang lebel ng carbon dioxide, at ngayon ay nasa 1.2 degrees na ang itinaas ng temperatura sa mundo. Aniya, kung sakaling hindi ito mapigilan, maaaring humantong sa pagtaas ng hanggang 3 degrees ang temperatura sa mundo ngayong siglo.