Ayon sa ESPN at USA Today, pumayag nang palitan ni Tyrron Lue si Doc Rivers na namaalam na bilang head coach ng Los Angeles clippers noong nakaraang dalawang linggo matapos ang limang taong kontrata nito.
Si Lue ang nagsilbing head coach ng Cleveland Cavaliers noong 2016 kung saan naiuwi rin nito ang NBA title.
Naging lead assistant coach din si Lue ng Clippers noong nakaraang season kung saan natalo ang mga ito sa Denver sa Western Conference semifinals.
Inaasahang lalahok sa staff ni Lue si former NBA player Chauncey Billups na kandidato rin na magiging coach ng Indiana Pacers.
Si Lue na may 128,93 na record bilang NBA head coach ang ika-anim na black head coach sa NBA.