Hindi bababa sa 95% ng mga endangered whale sharks na inoobserbahan sa Oslob sa probinsya ng Cebu simula taong 2012 ang nagtamo ng injury at sugat dahil sa wildlife tourism doon ayon sa isang pag-aaral.
Ayon sa mga researchers mula sa Large Marine Vertebrates Research Institute of the Philippines (LAMAVE), kailangang mabilis na makapag-implementa ng tamang management interventions upang masiguro na hindi makakasama ang mga tourist activities sa mga whale sharks o kilala sa tawag na Butanding.
Nakita sa pag-aaral na nasa 152 na Butanding sa karagatan ng barangay Tan-awan ay nakitaan ng mga sugat sa kanilang katawan dahil sa iba’t ibang tourism activities doon.
Umapila rin ang LAMAVE sa Department of Environment and Natural Resources, Department of the Interior and Local Government, Department of Tourism at Department of Agriculture’s Bureau of Fisheries and Aquatic Resources na pangunahan ang pakikipag-usap sa mga local at provincial governments sa pag-protekta sa mga Butanding at masiguro na mayroon itong sustainable tourism model.