IBINUNYAG ni Food and Drug Administration (FDA) Director General Eric Domingo na mahigit 400 COVID-19 patients na ang nakarekober sa sakit na tumanggap ng convalescent plasma treatment.
Ayon kay Domingo, sa 526 na pasyente na nabigyan ng convalescent blood plasma, 429 ang gumaling at nagpakita ng magandang resulta sa experimental treatment para sa COVID-19.
Gayunman, sinabi nito na kailangan pa rin ng karagdagang pag-aaral para matiyak kung maaari nga bang gamiting gamot ang blood plasma laban sa COVID-19.
Noong Abril, inilunsad ng Philippine General Hospital (PGH) ang isang blood plasma donation drive na humihimok sa mga COVID-19 survivor na magdonate ng dugo, dalawang linggo matapos silang magnegatibo sa COVID-19.