SAWA ka na bang masiraan ng gulay at prutas? Malaking panghihinayang di ba? Sa dami ng nagugutom at hindi kumakain ngayon, isang malaking kasalanan ang magtapon ng pagkain. Kaya, eto ang ilang tips at hacks upang mas mapatagal ang buhay ng mga prutas at gulay at mapanitiling fresh ang mga ito upang mas mapakinabangan.
Lettuce
Hugasan ang lettuce gamit ang pinaghalong tubig at suka, gamitin ang ratio na 10:1, upang mapanatili ang pagiging fresh nito.
Patatas
Upang hindi agad masira ang patatas, ihalo ito sa mansanas. Sa ganitong paraan, maiiwasan ang mabilis na pagkakaroon ng ugat.
Kabute
Ilagay lamang ang kabute sa brown na paper bag upang mas tumagal ang buhay nito.
Kamatis
Upang hindi mabulok agad ang kamatis, itabi ito nang nakataob o nasa baba ang pinaka tangkay upang mas tumagal.
Lemon
Ugaliing ilagay ang lemon sa loob ng plastic bag at ipasok sa loob ng refrigerator upang hindi mabulok agad.
Saging
Isa ang saging sa pinakamabilis na mabulok na prutas. Kaya, upang mapatagal ang buhay nito, ibalot lamang ang tangkay nito sa cling wrap upang hindi agad masira. Gamit ang mga simpleng hacks at tips na ito, maari mo nang panatiling fresh ang iyong mga prutas at gulay upang mas tumagal nang hindi nag-iiba ang lasa o amoy.