Ipinahayag ng Thailand na plano nitong magkaroon ng quarantine travel para sa mga short term tourists na bibisita sa bansa.
Ayon sa head ng health service support department na si Thares Krassanairawiwong, bago ipatupad ang alternative state qurantine scheme ay kinakailangang aprubahan muna ito ng mga residente sa mga piling probinsya.
Kaugnay nito, lahat ng probinsya na handa nang magbukas ay kinakailangang siguruhin na ang ruta na gagamitin ng mga dayuhan ay hindi gagamitin ng lokal na mga residente.
Samantala, kinakailangan namang sundin ng mga turista ang rutang ito na itatalaga ng mga probinsya.
Kaugnay nito ay kinakailangan pa rin na sumailalim sa home quarantine ng labing apat na araw ng mga turista bago umalis patungong Thailand at kinakailangang magkaroon ito ng negatibong COVID-19 test tatlong araw bago ang departure.
Gagamit rin ng COVID tracking device ang mga turista at sasamahan ng mga representative ng COVID-19 response agencies sa lahat ng oras.
Maraming probinsya naman ang nagpakita ng interes sa planong ito kabilang na ang Chon Buri, Buri Ram, Rayong, Chiang Mai, Chiang Rai, Phuket at Urat Thani.