Kasabay ng New Year celebration ay naglunsad ang Thailand ng Road Safety Center para sa mga mamamayan nito.
Ang paglunsad na ito ay kasabay ng Seasonal Road Safety campaign na tinatawag na ‘Seven Dangerous Days’ sa pagdiriwang ng bagong taon.
Ang mga mamamayan ng bansa ay kadalasang nagpupunta sa labas ng syudad tuwing katapusan ng taon.
Inaasahan naman na kakaunting tao lamang ang magbibiyahe sa mga pampublikong sasakyan dahil sa pangamba na mahawaan ng COVID-19.
Ayon kay Deputy Prime Minister Prawit Wongsuwon, pinag-aaralan din ng gobyerno ang nararapat na aksyon upang masiguro ang mas ligtas na pagdiriwang ng bagong taon.
Isasailalim naman sa checking ang mga sasakyan upang makita kung roadworthy ito.
Samantala, magkakaroon rin ng 24/7 checkpoints sa major travel arteries gaya ng Phahon Yothin Road, Sukhumvit Road at Friendship Highway at Phetkasen Road.