Binawi na ng six-time tennis champion na si Roger Federer ang nakatakdang pagsabak nito sa Australian Open.
Ayon sa 36-year old Swiss player, patuloy na magpapagaling ito mula sa dalawang operasyon sa tuhod na nangyari noong unang bahagi ng taon.
Matatandaan na na-delayed ng tatlong linggo ang pagsisimula ng Australian Open dahil sa mahigpit na border rules ng bansang Australia dahil sa banta ng COVID-19.
Itinakda naman ang 2021 Australian Open sa darating na Pebrero a-otso.