Matagal nang ginagamit ang tea tree oil laban sa mga dumi sa mukha. Pero dahil sa nagsulputang mga bagong gamot na may kasama pang mga makabagong formula, mas epektibo pa nga rin bang gamitin ito laban sa tagyawat?
Hindi lamang ginagamit ang tea tree oil para sa skincare. Sa katunayan, sa loob ng ilang siglo, ginagamit ito upang pagalingin ang mga sugat at mga simpleng sakit. Ngayon, mas madalas na itong ginagamit laban sa tagyawat at hinahalo sa mga pampahid para sa mukha.
Pagbabalik ng tea tree oil
Sa pag-usbong ng mga makabagong skincare routine at mga spot creams tulad ng benzoyl peroxide at potent salicylic acid, tila nahinto na ang paggamit ng tea tree oil. Ngunit, dahil may mga bagong skincare brand na muling binibigyang pansin ang sangkap na ito, muli kayang bumalik ang magandang pagtingin ng mga consumer dito?
Epektibo nga bang panglaban sa acne ang tea tree oil?
Ang tea tree oil ay nagmula sa maliit na native na puno na mula sa Australia. Meron itong matapang na amoy at maaaring kulay dilaw o clear kapag puro.
Ayon kay Kirsty Eaton, National Trainer sa Skin Regimen, epektibo pa ring panglaban sa tagyawat ang tea tree oil. “It contains compounds with an effective antibacterial action, so it reduces the chance of imperfections by killing the bacteria that causes them,” paliwanag nito.
Ayon sa maraming pag-aaral, may taglay din ang tea tree oil na anti-inflammatory at antibacterial properties na maaaring labanan ang bacteria na nagiging sanhi ng pagtubo ng tagyawat at nagpapakalma ng skin irritation.
Kasing epektibo rin ito ng benzoyl peroxide kung pagpapagaling lang sa tagyawat ang labanan. Gayunpaman, mas matagal nga lang makita ang resulta sa paggamit ng tea tree oil, dahil na rin sa pagiging gentle nito.
Masamang paggamit ng tea tree oil
Kahit na nga maituturing na natural product o organic ang tea tree oil, ang sobrang paggamit nito ay nakasasama pa rin. Tandaan: ang anumang sobra ay masama.
“Using too much tea-tree oil can be damaging and it should not be ingested as it is poisonous,” pagpapaalala ni Eaton. “With that in mind though, it’s important to remember that products containing tea tree oil have been carefully formulated to be safely used as directed.”