Nakaisip ng paraan ang isang mamang taxi driver ngayong pandemya, kung saan ginawa niyang sari-sari store ang kompartment ng kanyang taxi upang makapaghanap-buhay at makatulong sa pamilya.
Ang nasabing driver ay nag-viral sa internet kung saan nadaanan lang umano ito ni Architect Shiella Marie Atienza.
Habang nag-iinspection umano ito sa Forbeswood, Taguig ay naagaw ang kanyang pansin ng isang matanda na may kinukuha sa kompartment ng kanyang taxi.
Huminto si Atienza at napag-alamang nagtitinda ang taxi driver ng mga kape, biscuit, face shield, at may mainit na tubig din para sa mga produkto nitong kape.
“Another way of helping his co-taxi drivers na rin daw para mas mura ang bilihin, hindi sa mga 24-hour store bumibili ng panawid gutom at uhaw,” ayon kay Atienza.
Upang mahikayat ang mga tao na tularan ang naturang driver ay kanyang inap-load ang mga nakuhang larawan para na rin maging inspirasyon sa gitna ng pandemya na dapat ay maging masipag at huwag mawalan ng pag-asa.