TINIYAK ng National Water Resources Board (NWRB) na mayroong sapat na suplay ng tubig sa Metro Manila hanggang sa susunod na taon.
Ito ang inihayag ng NWRB kasunod ng pag-ulan sa malaking bahagi ng Luzon dahil sa Bagyong Rolly.
Sa katunayan anito, umangat sa 202 meters ang lebel ng tubig sa Angat Dam, malapit na sa 210 normal high water level.
Inaasahan maabot ang target na 212 meter level bago matapos ang taon dahil sa nararanasang La Niña phenomenon.
Dahil dito, pagsisiguro ng NWRB na magkakaroon ng sapat ng suplay ng tubig sa buong Metro Manila at karatig lalawigan hanggang sa panahon ng tag-init sa susunod na taon. Magugunitang nagbanta noong nakalipas na buwan ang ahensya sa posibilidad ng pagkakaroon ng kakulangan ng tubig hanggang sa 2022.