Humihingi ang lokal na pamahalaan ng Sulu sa national government at sa IATF ng tulong dahil sa banta ng bagong strain ng COVID-19.
Kasunod ito sa anunsyo ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na may na-detect ng bagong variant ng virus sa Sabah, Malaysia.
Umaabot lamang kasi sa 24 hanggang 29 na oras ang travel time ng mga bangka mula Sabah para makapasok sa Sulu.
Dahil dito, humihingi sila ng karagdagang pwersa upang makapagpatupad ng mas mahigpit na pagbabantay sa kanilang boundaries.
Sinabi naman ng Sulu government sa kanilang mga residente na huwag magpanic at iwasang magpakalat ng mga fake news.
Sa ngayon, naka-ban na ang pagpasok ng mga taga-Sabah sa Sulu.