NASA 85% ng kumpleto ang ginagawang capacity extension ng 8.2 kilometer na Subic Freeport Expressway (SFEX).
Ito ang inihayag ng NLEX Corporations kasunod ng progress inspection ng Department of Public Works and Highways (DPWH).
Layon ng proyekto na mas naging ligtas at mapaluwag ang daloy ng trapiko mula at patungong Subic Bay Freeport Zone.
Kabilang din sa main features ng proyekto ay ang itinayong bagong tunnel na magsisilbing vital link na nagdudugtong sa Bataan at Zambales.
Target na matapos ang naturang 1.6 bilyong pesos project bago matapos ang taon.
Inaasahang oras na makumpleto ang proyekto ay makatutulong ito na mapadali ang delivery ng goods at susuportahan din nito ang trade at tourism industry ng Subic.