Madalas na sinasabing ang pagputi ng buhok ay may kaugnayan sa pagtanda. Gayunman, sa isang bagong pag-aaral na na-published sa Journal Nature, napagalamang ang stress ang nag-a-activate sa nerves na parte ng “fight-or-flight response” na siya namang nagiging sanhi ng permanenteng pagkasira sa pigment-regenerating stem cells sa ating hair follicles na nagpapaputi sa ating buhok.
Sa makatuwid, ayon sa bagong pag-aaral na ito, ang nakakainis at nakakairitang mga puting buhok na tumutubo sa ating pagtanda ay senyales ng stress.
“We wanted to understand if this connection is true, and if so, how stress leads to changes in diverse tissues,” wika ng senior author ng pag-aaral na si Ya-Chieh Hsu mula sa Harvard University sa United States.
“Hair pigmentation is such an accessible and tractable system to start with — and besides, we were genuinely curious to see if stress indeed leads to hair graying,” dagdag pa nito.
Dahil naaapektuhan ng stress ang ating buong katawan, inalam muna ng mga mananaliksik kung alin sa ating body system ang nag-uugnay ng stress sa pagputi ng ating buhok. Matapos maialis ang iba’t-ibang posibilidad na may kinalaman dito, napagalamang ang sympathetic nerve system na responsable sa fight-or-flight response ng ating katawan ang dahilan ng pagputi ng ating buhok.
Ang systematic nerves ay dumadaloy sa bawat hair follicle ng ating balat at ang stress ay nagiging sanhi ng paglalabas nito ng kemikal na norepinephrine na siya namang sumisira sa ating pigment-regenerating stem cells.
Sa ating hair follicle, may mga partikular na stem cells na nagsisilbing reservoir ng pigment-producing cells. Kapag nag-regenerate ang ating buhok, ang ilan sa mga stem cells na ito ay magiging pigment-producing cells na nagpapaputi ng ating buhok.
“We know that peripheral neurons powerfully regulate organ function, blood vessels, and immunity, but less is known about how they regulate stem cells,” paliwanag naman ng study researcher na si Isaac Chiu.
“With this study, we now know that neurons can control stem cells and their function, and can explain how they interact at the cellular and molecular level to link stress with hair greying,” dagdag pa nito.