Idineklara sa Myanmar ang State of Emergency kasunod ng pagkakadetine ng state counselor, presidente at iba pang National League for Democracy officials ng bansa.
Ang state of emergency ay aabot ng isang taon.
Sa ngayon, ang Commander-in-Chief of Defense Services na si Min Aung Hlaing ang may hawak ng kapangyarihan sa bansa sa durasyon ng state of emergency at si Vice President U Myin Swe naman ang temporaryong presidente.
Idinetine ng militar si state counselor Daw Aung San Suu Kyi, President U Win Myint at iba pang National League for Democracy officials.
Ayon sa Tatmadaw, grupo ng militar sa Myanmar, mayroong malawakang dayaan sa eleksyon na naganap sa kabila ng kawalan nito ng ebidensya. Sa ngayon, pinutol na rin ang mga TV channel, phone line at internet services sa Myanmar kasunod ng state of emergency.