Hidilyn Diaz, maglalabas ng libro tungkol sa kanyang buhay
‘GINTO’T PILAK’, ito ang pamagat ng librong ilalabas ni top Filipina weightlifter Hidilyn Diaz.
Ayon kay Hidilyn, katulong niya sa paglalabas ng libro ay sina Eugene Evasco bilang co-writer, Noel Ferrer sa panayam at Tristan Yuvienco naman sa larawang guhit.
Layunin ng kanyang libro na hikayatin ang mga kabataan na abutin ang kanilang mga pangarap sa pamamagitan ng sipag at tiyaga.
Kasalukuyan namang nagsasanay sa Malaysia si Hidilyn upang makapasok sa 2021 Tokyo Olympics.
John Daly, na-diagnosed na may bladder cancer
INANUNSYO ni two-time golf major winner John Daly na siya ay nagkaroon ng bladder cancer.
Sumailalim ito sa procedure at natanggal naman ito.
Samantala, hindi naman maiwasang mangamba ito dahil ayon sa kanyang doktor ay 85 porsiyento ang tyansa na bumalik ang ito.
Ngunit naniniwala si Jhon na may himala pang mangyayari at nagpasalamat ito sa pagkawala ng naturang sakit.
Novak Djokovic may malaking aral sa nangyaring disqualification
MALAKI umano ang natutunan ng tennis player na si Novak Djokovic sa nangyaring disqualification sa kanya ngayong taon.
Matatandaan na may nangyaring disqualification sa kaniya sa US Open kung saan aksidenteng natamaan niya ng tennis ball sa mukha ang isang judge ng palakasan.
Aminado naman si Novak sa nangyari, aniya hindi naman daw siya perpekto at marami rin siyang flaws kaya buong puso siyang nanghingi ng paumanhin sa nangyari.
Sinigurado rin nito na hangga’t maari ay hindi na mangyayari ulit ang naturang pagkakamali.
Itinuturing umano ni Novak na isang malaking aral ito sa kanyang buhay bilang isang manlalaro at hindi niya ito makakalimutan.