Panibagong world record ang naitala matapos magpalipad ng maraming satellite ang Space X sa pamamagitan ng iisang rocket.
Sa pamamagitan ng Space X Falcon Rocket, nakapagsakay ito ng 143 na maliliit na satellite.
Isinagawa ang launching sa space launch Complex 40 sa Cape Canaveral Space Force Station sa Florida.
Dahil dito, nakapagtala ng bagong world record ang naturang misyon kung saan tinagurian itong may pinakamaraming nai-launch na satellite sa pamamagitan lamang ng iisang rocket.
Matatandaang noong 2017, ang PSLV-C37 sa India ay nakapagpadala naman ng 104 na satellite.