Photo Credit: The Korean Herald
Papalawigin ng South Korea ang social distancing rules sa bansa ng dalawang linggo hanggang sa katapusan ng Chinese New Year holiday.
Ayon kay Prime Minister Chung Sye Kyun, ito ay kasunod ng mga bagong infection cluster na naitala sa bansa.
Samantala, taliwas naman ang anunsyo na ito sa paniniwala ng karamihan na mas magluluwag ang gobyerno mula sa mga restriksyon.
Matatandaang simula noong Disyembre, mayroon nang restaurant curfew at ban sa mga pagtitipon sa apat na katao na ipinapatupad sa bansa.
Naitala rin ng mga awtoridad ang malaking outbreak mula sa missionary training schools noong nakaraang linggo. Kaugnay nito ay magsisimula naman ang Chinese New Year break sa Pebrero a-onse.