NAGKALOOB ng P4.5 milyon ang Sorsogon City government sa ilalim ng kanilang Special Education Fund para suportahan ang pagbubukas ng klase ngayong School Year 2020-2021.
Ayon kay Armand Dematera ang naturang halaga ay karagdagang halaga sa P18M fund ng DepEd Sorsogon mula sa kanilang head office na magagamit sa pagpapatuloy ng pag-aaral ngayong may pandemya.
Bukod ditto, may sapat na suplay ang kanilang tanggapan para sa mga kailangan sa learning activities tulad ng printers at mga papel.
Nagpasalamat din ang ahensya sa mga tulong na ipinagkaloob ng mga stakeholders na nagbigay ng kanilang donasyon.
Aabutin umano ng 2–3 buwan ang kanilang inihandang modules para sa mga bata at wala ring pupunta sa paaralan para kunin ito nang mapanatiling ligtas ang mga mag-aaral sa COVID 19.