Photo Credit: POLITICS.COM.PH
Matapos ang pananalasa ng mga nagdaang bagyo, nananawagan si Cong. Sharon Garin sa pagpasa sa House Bill 3593 o ang Soil and Water Conservation Act.
Layunin ng HB 3593 na magsagawa ng isang libong soil and water conservation guided farms, 10,000 units na rainwater harvesting system at ilunsad ang Sustainable Land Management (SLM) projects.
Itatalaga naman ang Department of Agriculture bilang implementing agency sa pamamagitan ng Bureau of Soils and Water Management (BSWM) at DA-Regional Field Units (DA-RFUS).
Bukod dito, magsasagawa rin ang BSWM at DA-RFU ng mga training para sa mga farmer-cooperator at mga program recipient patungkol sa soil and water conservation.