Inanunsyo ni Megastar Sharon Cuneta sa kanyang isang IG post na plano na niyang magretiro sa showbiz. 40 taon ding namayagpag ang singer-actress sa industriya at napuno ito ng saya at pagmamahal.
“Kids, it’s almost time. Mama’s tired. I love you,’ ang nakasulat sa kanyang larawan sa isang IG post nito. Pinalitan niya rin ang kanyang IG bio ng “retiring soon.”
Ayon kay Mega na noong isang taon pa niyang balak magretiro at mukhang matutuloy na ito ngayon.
Nagpasalamat naman ang aktres sa lahat ng mga sumuporta sa kanya lalong lalo na ang mga tumulong sa kanya na makarating sa tagumpay ng kanyang kasikatan sa showbiz.