UMAPELA si Manila Mayor Francisco Isko Moreno Domagoso sa publiko hinggil ng pagsasara nito sa mga pribado at pampublikong sementeryo sa Lungsod ng Maynila mula Oktubre 31 hanggang Nobyembre 3.
Pirmado na umano ng alkalde ang Executive Order No. 38 ng pagsasara ng mga sementeryo kung saan ito ay napapailalim sa General Community Quarantine protocols sa panahon ng Undas.
Tanging ang interment at cremation services for non–COVID cases lamang ang pinapayagan para sa istriktong pagbabantay ng minimum public health standards at social distancing.
Aniya, sa Manila North Cemetery pa lang ay may 105,837 ng mga libingan doon at nasa 1.5-m ang mga bumibisita sa panahon ng Undas habang ang Manila South Cemetery ay nasa 39,228 ang puntod doon at nasa 800-k naman ang mga bumisita sa araw ng Undas.
Kabilang sa mga dinadagsang sementeryo sa panahon ng Undas ay ang Lungsod ng Maynila, Manila Chinese Cemetery, Paco Park, at La Loma Cemetery.