Naging maganda ang resulta ng unang sea trial ng BRP Antonio Luna o FF-151, ang ikalawang missile-frigate ng Philippine Navy.
Ayon kay Lieutenant Commander Maria Christina Roxas, tagapagsalita ng Philippine Navy, isinagawa ang sea trial mula Setyembre 24 hanggang 29 sa Ulsan, South Korea.
Kabilang sa sinuri ay ang propulsion systems, auxiliary machinery, electrical system, at hull structure upang madetermina ang seaworthiness ng barko.
Una nang inihayag ni Philippine Navy Chief Vice Admiral Giovanni Carlo Bacordo na sa unang bahagi ng 2021 posibleng dumating sa bansa ang barko dahil na rin sa COVID-19 pandemic.