KINAKAPOS ka ba sa lakas at attention span kahit nakapag-almusal sa umaga? Umaabot ba ang inyong enerhiya hanggang sa hapon? Maigsi na ba ang inyong pasensiya at umiinit na ang ulo hindi pa man umaabot sa tanghali? Kung nakakaranas nang ganito, maaaring may mali sa kumbinasyon ng inyong kinakain sa umaga.
Alam ba ninyo na ang pinaka-importanteng ‘meal of the day’ ay ang almusal? Mahalaga na huwag itong laktawan. Ito ang magbibigay sa atin ng power push at magpapatagal ng ating enerhiya hanggang sa hapon o gabi—kung tama lamang ang ating kinakain sa umaga.
Demanding kasi ang panahon ngayon. Lalo na may pandemya, ibayong pag-iingat na madapuan ng sakit, para sa ating hanap-buhay at mga mahal sa buhay. Kulang na nga sa pagkakataong makapag-ehersisyo sapagkat hindi basta-basta naman na nakalalabas.
Baguhin ang nakaugalian. Subukan ang High-Protein Diet Program sa umaga!
Benepisyo ng ma-protinang pagkain sa umaga
Maraming benepisyong dulot ang programang ito, na inilulunsad ng mga kilalang personal trainers tulad nila Maia Appleby, mga nutritionists at medical specialists sa iba’t ibang panig ng mundo. Ayon nga kay Zenaida Nieves-Lee, isang US Navy Recruitment Specialist at intern sa isang US Company na nagbibigay ng job-opportunities sa mga nawalan ng trabaho sa Amerika, hindi biro sa kasalukuyang panahon ang pressure na dala ng kanilang propesyon. Laking Amerika subalit may puso at diwang Pinoy, aminado siyang dating ‘breakfast skipper,’ at ngayon ay tumatangkilik ng high-protein breakfast program. Dagdag pa niya, nagbago ang kaniyang pananaw sa kahalagahan ng almusal sa umaga, at wastong pagpili ng kakainin.
Sa kasalukuyan, gumagawa si Zenaida ng programang ilulunsad niya upang palaganapin ang programang ito hindi lamang sa mga kaibigan at kakilala niya sa Estados Unidos, pati na rin sa Pilipinas at iba pang panig ng mundo. Aniya, “Choosing the right diet makes the difference between just living and wise living. If this is working well for my body and mind then, yes! This is worth promoting!” Kaya maliban sa pagtulong sa mga kababayan niyang nawalan ng trabaho dahil sa pandemya at sa mga nagnanais pumasok sa US Navy, sasabayan pa niya ito ng pagkumbinse na ang high-protein breakfast in the morning ay sagot sa magandang kalusugan at focus sa ating mga pinag-kakaabalahan.
Simple lamang ang gawing pagbabago sa diet, ani Zenaida. Ito ang ihain sa umaga at subukan sa loob ng dalawang linggo:
Isang cup ng Rice/Pancakes/Whole Wheat Bread for minimal intake of carbohydrates;
White o Red Meat: walang taba tulad ng ginagawa sa Keto Diet Plan. Fibrous meat mula sa laman (baka man o manok, isda o kombinasyon ng karne at isda for protein);
Egg: Maaaring sunny-side up o scrambled for protein;
Isang slice ng keso for added protein;
3-4 slices ng Orange, o isang pirasong saging, o grapes for vitamins particularly vitamin C.
Isang glass ng natural juice: orange, mango, o pineapple for added vitamins;
Side dish ng mga power veggies tulad ng spinach, asparagus at sliced tomatoes for added vitamins and minerals na kailangan ng ating katawan.
Kung susumahin ang menu ay mas lamang ang dami ng source of protein nito kumpara sa carbohydrates. Umiwas din sa mga refined carbohydrates tulad ng white flour at white sugar.
Kumain nang wasto
Maraming benepisyo ang makukuha sa wastong pagkain ng ma-protinang almusal sa umaga.
Una, ang high-protein diet sa umaga ay mas mainam sa iyong utak. Tinutulungan ka nitong maging mas alerto kumpara sa iba mong mga araw. Sa iyong paggising sa umaga, nangangailangan ang katawan ng power-building nutrients na tanging protina lamang ang makapagbibigay. Ang nutrients na ito ay dadaloy sa ating dugo, papunta sa ating mga veins, organs, muscles at higit sa lahat, sa ating utak.
Ikalawa, ang high-protein diet sa umaga ay mainam magpababa ng inyong cravings sa pagkain, lalo na sa gabi. Good news ito lalo na sa inyong belly fats. Sa madali’t salita, ma-protinang pagkain sa umaga, less taba sa tiyan ay dala-dala!
Ikatlo, naiiwasan din ng programang ito ang muscle loss sa inyong katawan dahil protina ang numero-unong muscle builder at nakabubuti para sa good bone cells recovery. Mainam kumain ng high-protein diet isang oras bago magwork-out para makatulong sa muscle build-up ng inyong katawan.
Ikaapat, ay ang pagkontrol nito sa pagkakaroon ng Type-2 Diabetes sapagkat ang pagkain ng mas nakalalamang na carbohydrates sa umaga ay ang nagpapataas ng ating blood-sugar na nagbubunga ng nasabing sakit.
Isa pang mahalagang hatid ng programang ito ay ang nakakataas ito ng inyong immune system laban sa mga sakit na maaaring tumama sa inyo—kaya napapanahon ito ngayong may pandemya sa ating mundo.
Maging matapat sa sarili. Sabayan ng tamang ehersisyo, at wastong oras ng pagtulog, ay siguradong ibayong lakas sa pangangatawan ang dulot nito. Tandaan, ika nga sa wikang Ingles, “We only have one body to last a lifetime.” Kaya ang katawan natin, paka-ingatan.