Photo Credit: TASS
Handa na ang Russia na ipamahagi ang Sputnik V vaccine ngayong Disyembre kung saan nagkakahalaga ng $20 ang dalawang dose ng naturang bakuna.
Ayon kay Chief Executive of the Russian Direct Investment Fund (RDIF) Kirill Dmitriev, ang manufacturing partners nito ay nakagawa na ng lyophilized na bersyon ng bakuna kung saan pwede na itong i-store sa 2 hanggang 8 degrees celsius.
Nasa kabuuang 40,000 naman ang volunteers nito na sumailalim sa pag-aaral kung saan 22,000 dito ang nabakunahan ng unang dose habang 19,000 naman ang nabigyan ng dalawang dose.
Lumalabas na 91.4% epektibo ang naturang bakuna makalipas ang 28 na araw matapos ang pagbibigay ng unang dose nito habang tumaas naman sa 95% ang effectiveness nito makalipas ang 42 na araw.
Inaasahan ng RDIF na makakapamahagi ito ng mahigit sa kalahating bilyon na tao sa taong 2021 kabilang na dito ang bansang India, China, Brazil, Korea at iba pa.