ISANG fan ni Ruby ang nagtanong kung bakit hindi pa siya nakikita sa iconic noontime program ng Kapuso Network.
At ang tugon ng komedyana ay tanungin na lang daw ang management kung bakit hindi pa siya nakakabalik sa noontime show.
Base sa pagkakasagot nito ay mukhang may something sa sinabi ni Ruby pero naniniwala naman ang karamihan, na baka dahil ito sa kanyang pagkaka-hospital ng ilang buwan na ang nakalipas dahil sa stomach ailment.
Matatandaang namatayan ng kapatid na doktor si Ruby noong buwan ng Marso dahil sa COVID-19.