Kumpyansa si House Deputy Speaker Michael Romero na magpapatuloy ang Tokyo Olympics ngayong taon kung kaya’t sinabi nito ang importansyang mabigyan ng COVID-19 vaccine ang mga national athletes na sasabak sa quadrennial event.
Ayon kay Romero, ang bakuna ay kailangan para sa Tokyo Olympics kung kaya’t isinusulong niya ang house resolution na magbibigay prayoridad sa mga Philippine athletes.
Dagdag pa ni Romero, dapat na kasama ang mga national athletes sa prayoridad para sa bakuna kasama na ang medical front-liners, senior citizens, police at militar at mga less-privileged.
Umaasa naman si Romero na ang mga national athletes na sasabak sa Olympic ngayong taon ay makakapag-uwi rin ng medalya para sa Pilipinas.