Aabot na sa mahigit 820,000 indibidwal ang naapektuhan ng bagyong Rolly mula sa mahigit 3,300 na mga baranggay sa Region 2, 3, Calabarzon, MIMAROPA, 5, 8, CAR at NCR.
Sa pinakahuling tala ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), kabuuang 188,417 sa mga ito ang kasalukuyang nanatili sa mga evacuation center.
Naitala ang pinakamaraming evacuees sa Region 5 kungsaan mayroong 27,540 pamilya o katumbas ng 109,961 na indibidwal ang nanatili sa 1,024 na evacuation centers na nakakalat sa rehiyon.
Sinundan ito ng Calabarzon na may 20,915 displaced families na binubuo ng 77,428 na indibidwal na nanunuluyan ngayon sa 832 evacuation centers.
Tiniyak naman ng DSWD na patuloy ang kanilang monitoring sa bilang ng mga indibidwal na naapektuhan ng bagyo.