Ulysses.
Photo Credit: Trending.Ph
Sa kabila ng matinding pagbaha na dulot ng Bagyong Ulysses, malaki ang pasasalamat ni QC Mayor Joy Belmonte dahil walang naitalang casualty sa lungsod.
Ayon sa alkalde naging maagap at masunurin ang mga residente nang magpatupad ng forced evacuation kaya nang humagupit ang bagyo ay nasa ligtas na lugar ang mga nasa danger zone.
Agad ding binigyan ng relief packs ang mga residente kasabay ng pagsasagawa ng health monitoring at barangay listing sa bawat komunidad.
Naging matagumpay din ang paglikas noong Bagyong Rolly dahil nang mag-uwian ang mga evacuees ay wala silang nasuri na nagkaroon ng sintomas ng virus.
Tiniyak din ng alkalde na ganito rin ang ginawa sa mga bakwit ngayon dahil sa bawat modular tents ay naipatupad ang pagsusuot ng face mask at nasusunod din ang ibang protocols.