PAG binigkas mo ang salitang probiotics, malamang ang unang papasok sa isip mo ay ang inuming nakakatulong sa ating digestive system. Isa itong uri ng buhay na bacteria na mabuti para sa ating kalusugan. Ngunit alam mo ba na hindi lamang ito para sa ating panloob na katawan? Sa katunayan, may mga bagong breed ng bacteria strain na maaari na rin nating gamitin sa balat.
Katulad din ng mga capsule at inuming kailangan mong inumin upang maging “happy ang tiyan,” ang probiotics ay maaari ring magkaroon ng biome-balancing properties kapag ipinahid sa balat. Tulad ng iba’t-ibang uri ng beauty products, mula panghilamos hanggang toner, serum, mask at iba pa, siksik ito sa mga friendly bacteria na nakakatulong upang maalis ang pamamaga, mapatibay ang skin barrier at mapagaling ang taghiwat.
Ngunit, sa dinadamirami ng mga nagsusulputang skin regime ngayon, kailangan pa bang idagdag ang probiotics dito? Ayon sa mga bagong pag-aaral, oo!
Ano ba ang probiotics?
Ang probiotics ay isang uri ng buhay na bacteria at yeast na napakaraming magandang dulot para sa ating digestive system. Madalas itong matatagpuan sa mga yogurt at supplements. Kaya nitong harangan ang mga pathogens at i-balance and bacteria sa ating tiyan upang maiwasan ang bloating, sakit sa tiyan at iba pang isyu sa digestive system.
“The proper definition of probiotics is ‘micro-organisms that can benefit their host,’ but I just tend to call them good bacteria,” wika ni Marie Drago, founder ng probiotic skincare brand na Gallinée.
Paano ito nakakatulong sa skincare?
Tulad kung paano gamutin ng probiotics ang mga isyu natin sa tiyan, ang pagpapahid nito ay may epektong nakakapagpakalma ng balat dahil sa taglay nitong good bacteria na tumutulong sa ating mga cells. Pag okay ang ating skin barrier, kaya nitong i-regulate ang oil production, manatiling hydrated at alisin ang mga free radicals.
“Probiotics used externally are all about regulating natural balance and helping to moderate the cells’ signalling molecules in order to increase cell communication and balance the body’s immune response,” paliwanag naman ni Claire Vero, founder ng Aurelia Probiotic Skincare.
“The natural bacterial environment of our skin has a very important protective role, so it’s vital that we keep it intact. With our over-clean modern lifestyles however, this ecosystem is often damaged and can result in dry, stressed, sensitive skin,” dagdag naman ni Drago.
Kaya naman, maaari mong alagaan ang iyong microbiome sa pamamagitan ng pagpapahid ng probiotics na nagreresulta ng maganda at glowing na balat.