Nagbabala ang National Water Resources Board (NWRB) sa posibilidad na magkaroon ng kakulangan ng suplay ng tubig sa Metro Manila at karatig probinsya hanggang sa taong 2022.
Ayon kay NWRB Executive Director Dr. Sevillo David Jr., magiging hamon ang stable water supply dahil sa patuloy na lumalaking populasyon.
Aabutin din aniya ng ilang taon ang konstruksyon ng panukalang alternative water sources gaya ng East Bay Water Supply Project at AMA Bulk Water Supply Project.
Tumataas din aniya ang demand sa tubig sa gitna ng COVID-19 pandemic dahil marami ang nananatili sa kanilang mga bahay.