Halos 50% nang kumpleto ang konstruksyon ng PNR Clark Phase 1 segment ng North South Commuter Railway Project (NSCR).
Batay sa progress report ng Department of Transportation (DOTr) hanggang noong Disyembre a-31 kabuuang 42.66% nang tapos ang proyekto.
Ayon sa DOTr, mas mabilis pa rin ito sa kabila ng nararanasang pandemya dahil na rin sa umiiral na 24/7 work construction schedule.
Ang PBR Clark Phase 1, isa sa tatlong segment ng NSCR Project ay may haba na 38 kilometers na magdudugtong sa Central Luzon, Metro Manila at Calabarzon.
Oras na makumpleto ang PNR Clark Phase 1, inaasahang bababa na lamang sa 30 minuto ang travel time mula Tutuban, Manila hanggang Malolos, Bulacan mula sa 1 oras at 30 minuto.
Target na masimulan ang partial operation ng proyekto sa pagtapos ng 2021.