TINIYAK ng Philippine National Police (PNP) ang mas malakas na PNP Medical Reserve Force bilang tugon sa COVID-19 pandemic.
Ayon kay PNP Deputy Chief for Operations at Administrative Support to COVID-19 Operations Task Force (ASCOTF) Commander Police Lieutenant General Cesar Binag, mahigit 1,000 police personnel na may kaalaman sa health care ang nakadeploy na sa iba’t ibang quarantine facilities.
Bahagi anya ito ng sinimulang programa ni PNP Chief Police General Camilo Pancratius Cascolan na dating commander ng ASCOTF.
Nabatid na masigasig na naghanap ang PNP ng mga pulis na makakatuwang ng mga medical frontliner sa laban kontra COVID-19.
Maliban dito, nagtayo rin ang ahensya ng health unit sa bawat istasyon ng pulisya upang mapangalagaan ang kalusugan ng kanilang mga personnel.