Tatlo pang gold ang nahakot ng Filipino karateka na si James delos Santos ngayong taon matapos manguna sa tatlong tournament sa inilabas na resulta nito kamakailan.
Nakuha ni Delos Santos ang unang gold matapos matalo ang pambato ng South Africa na si Cerone Biagioni sa iskor na 25.5-23.6 sa Shotokan Individual Male Senior Final sa 3rd E-Karate Games.
Nagwagi rin si Delos Santos laban kay Matias Domont ng Switzerland para sa 2nd Euro Grand Prix Fold sa iskor na 25.3-23.6.
Habang ang pangatlong gold ng Pinoy athlete ay nakuha mula sa Rome International Endas Karate Cup laban sa Amerikanong si Alfredo Bustamante sa iskor na 25.1-24.
Ngayong taon, hawak ni Delos Santos ang dalawampu’t siyam na gold na nagpapatibay sa pwesto nito ngayong taon bilang Top Virtual Kata Player sa buong mundo.