IPINAHAYAG ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa pinakauna nitong talumpati sa United Nations General Assembly na bukas ito para tanggapin ang mga refugees sa bansa lalo na ang mga Rohingya.
Kaugnay nito ay hinihikayat ng pangulo na makiisa sa nasabing hakbang ang buong mundo lalo na ngayong panahon ng pandemya.
Ayon sa tala, halos 79.5 milyong katao ang sapilitang lumayas sa kanilang mga bansa dahil sa digmaan at iba pang problema.
Samantala, ang mga Rohingya refugees ay mga Muslim na nakatira sa Western Myanmar.