SINIGURO ng Philippine Retailers Association (PRA) na susunod ang lahat ng miyembro nito sa minimum health protocols sa pagdaraos ng mall-wide sales.
Ito ay kasunod ng pagpapahintulot ng pamahalaan sa pagkakaroon ng marketing sale events sa mga malls ngayong nanalapit na ang holiday season.
Ayon sa PRA, nakikipag-unayan na ang kanilang mga miyembro sa local government units (LGUs) na may sakop ng kani-kanilang malls upang matiyak ang kaligtasan ng publiko oras na mag simula na ang mga sale events.
Naghahanda na rin ang mga mall ng mga ipatutupad na panuntunan upang maiwasan ang pagkakaroon ng kumpulan ng tao at matiyak pa rin ang pagkakaroon ng physical distancing. Tiniyak din nito na kanilang mahigpit na ipatutupad ang “No Facemask and Face Shield No Entry Policy” sa lahat ng customers at pagsunod sa crowd control measures.