Nagdesisyon ang Samahang Basketball ng Pilipinas (SBP) na huwag nang isama ang mga PBA player sa selection ng Gilas Pilipinas para sa laro ng FIBA at Olympic ngayong Hunyo.
Paliwanag ni SBP President Al Panlilio, kumplikado ang schedule ng FIBA at ang 46th season ng PBA na itinakda ngayong Abril a-onse.
Samantala, makakaharap naman ng Gilas sa final windows ng qualifiers ngayong Hunyo ang Korea at Indonesia habang ang Serbia at Dominican Republic naman ang kanilang makakalaban sa Olympic Qualifying Tournaments.