Nagbigay ng kanyang pakikiramay si Pastor Apollo C. Quiboloy, Founder at Executive Pastor ng The Kingdom of Jesus Christ sa mga nasalanta dahil sa nagdaang mga bagyo.
Kasabay nito, nanawagan si Pastor Apollo sa publiko na makipagtulungan sa gobyerno para maiwasan ang epekto ng climate change sa ating bansa.
Sa kanyang live program na Sounds of Worship, ipinakita at inilarawan ni Pastor Apollo ang isang halimbawa ng pagbibigay-proteksyon sa kalikasan na ginawa nito sa Prayer Mountain na matatagpuan sa paanan ng Mt. Apo sa Davao City na ngayon ay punung-puno na ng naglalaking pines trees.
Kaugnay nito, sinabi rin ng butihing pastor na ang nangyayari ngayon ay isang hudyat sa lahat na makipagtulungan sa pagbibigay ng proteksyon sa kalikasan bilang panlaban sa climate change dahil hindi pa rin aniya huli ang lahat.