Nagpaalala ang Philippines Airlines sa mga pasahero nito na bago lilipad sa ibang bansa dapat munang gawin ang passenger profile and health declaration form online limang araw bago ang pag-alis.
Ang online portal ay nagbukas na para sa kanilang registration na may flights simula November 12, 2020.
Exempted sa Passenger profile and health declaration form(PPHD) form online ay mga mananakay na patungong United States, Canada at Australia pero dapat gawin ng mga pasahero ang kanilang paper form pagdating nila sa check in ng paliparan.
Ang mga pasahero naman na patungong Singapore ay nirerequire na ma-accomplish ang kanilang PPHD paper form pagdating sa paliparan for check in bilang karagdagan sa kanilang online registration.
Ang local manning agency naman ang magreregister ng PPHD para sa kanilang pasahero.
Ang PPHD ay bahagi pa rin sa kampanya laban sa COVID-19 pandemic.