PINAGHAHANDAAN na ng pamahalaan ang isasagawang pag-iimbak sa aangkating COVID-19 vaccines oras na maging available na ito.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, sinisimulan na nilang pag-usapan ang mga gagawing hakbang kaugnay ng pag-iimbak at distribusyon ng bakuna.
Sa ngayon aniya, ang pinaka malaking hamon dito ang gagawing storage facility na espesyal para sa naturang bakuna.
Paliwanag ni Roque, kinakailangan na ang storage facility na paglalagyan ng vaccine ay may temperaturang negative 90 degrees. Tiniyak naman ni Roque na ngayon wala pa mang COVID-19 vaccine ay pinaghahandaan na ng gobyerno ang mga gagawin upang mas mapadali ang proseso oras na mailabas na ang bakuna.